Pages

Wednesday, November 13, 2013

Nung isang linggo, dumaan sa Pilipinas yung pinakamalakas daw na bagyo sa buong mundo. yung hangin na dala nya, katumbas ng tatlong beses na lakas ng buhawi. Kaya hindi nakapagtataka na halos mabura sa mapa yung mga tinamaang lugar sa Visayas.

Meron daw dun, isang kapilya na nanatiling nakatayo. Hindi naapektuhan, ganun siguro. Pero nabasa ko kailan lang na yung mga tao raw sa kapilya na to, tinanggihan na papasukin man lang yung mga survivors dun na hindi miyembro ng relihiyon nila.

Kung totoo man yung nabasa ko na yun, ang unang pumapasok sa isip ko na sabihin sa kanila? Nakakahiya po kayo. Sinasabi nila na intindihin daw sila. Ginawa daw nila yun bilang respeto sa Dyos at sa relihiyon na rin nila. Hindi naman po a binabastos ko yung relihiyon ninyo, pero kung ganyan po yung paniniwala nyo, na parang wala kayong pagpapahalaga sa kapwa nyo, e hindi ko po maintindihan kung bakit hanggang ngayon may mga miyembro pa kayo. Kahit gaano karaming bigas, damit, tubig at pagkain ang ibigay nyo ngayon sa mga kababayan natin sa Visayas, hindi nun matatakpan yung minsang pinagdamutan nyo sila ng masisilungan. Eto naman e kung totoo lang naman yung nabasa ko, hano po?

Tapos meron pa dyan, sa Facebook at Twitter, yung mga mababait kunwari na puro sinasabi e kawawa naman daw yung mga kababayan natin sa Visayas. Kung mga isang bwan lang e puro ganun ang ipopost ng mga yan. Pero once na may madaanan na donation center, kahit limang pisong kupi, hindi makuhang maghulog. Utang na loob. tigilan ang panggagamit sa pangit na sitwasyon para magpaganda ng reputasyon.

Kung talagang naaawa kayo, may paraan para makatulong kayo. Kahit isang sardinas lang oh. O kaya tumulong kayo magrepack nung mga donation para mas madaling maiparating sa kanila dun. Tama na yang paupo-upo at panood-nood lang sa TV ng mga nangyayari, tapos pareact-react na kala mo sobrang apektado. Kung talagang apektado ka, marami kang pwedeng gawin para maging bahagi ng pagbangon nila. hindi sa nagmamainam ako. Tatlong oras mahigit lang akong nagrepack dun sa Red Cross at sa totoo lang wala pa kong naibibigay na donasyon. Pero kumikilos na rin kami at ginagawa lahat para kahit papano makatulong kami sa mga kababayan natin. Maraming paraan. Please lang, gumawa tayo kahit isa lang.

Kung bawat isa sa atin mag-aabot ng tulong sa Visayas, saglit lang, makakabangon na ulit sila dun. Kaya please, please lang. Tulong na. Tabang na. tayo na. Boom boom pow.

No comments:

Post a Comment