Pages

Saturday, October 19, 2013

The air turned chilly yesterday. October…this is when I always start this misery that never seems to end. I'm so tired of holding on. I'm scraped and beaten and exhausted and just plain lonely, desolate, miserable.

It's just the same thing happening over and over again. This is the cycle of my life. This is the curse I gain for loving you - never being able to take one single step forward. I'm stuck here forever, ain't I?

I want it all to end. Take my heart if you must, if it means there'd be no more pain left behind. No more nights spent thinking about the what-ifs, the could-have-beens. Because I know. I know I'll always be here, fighting without you.

Wednesday, October 9, 2013

Bakit ka makikinig sa mga taong nagsasabing, "Magdiet ka! Ang taba mo na!"?

Una sa lahat, isa sa basic needs ng tao ang pagkain. Kahit sino siguro ang tanungin mo, una sa listahan ng pangangailangan nila ang pagkain. So as long as hindi ka obese at wala naman risk sa kalusugan mo yung katawan mo ngayon, bakit kailangan mong magpaapekto?

Lagi ko rin kasing naririnig yan. "Tumataba ka na, kain ka kasi ng kain." Eh ang dami ngang tao sa mundo na walang makain. Asin lang at kanin, magpapasalamat na sila. Yung nanay ko, nasa Hong Kong, nagkakandakuba kakakayod para mailagay sa hapag kainan namin yung paborito kong ulam, tapos sasabihin mo sakin na wag na akong kumain?

Para sa akin naman, okay lang yung katawan ko. Edi kung mukhang baboy o hippopotamus, sige na, baboy o hippopotamus na, pero at least hindi ako mababaw. Pag ba may nakasalubong kang medyo mahina yung ulo, sasabihin mo ba, "Ang bobo mo na! Hindi ka kasi nag-aaral." Hindi naman normal na sabihin yun, diba? Kaya bakit pag sa katawan, ang lakas nyo pumuna?

Yun na lang ba talaga yung mahalaga sa mundo ngayon? Yung maging sexy at maganda, para masarap sa mata? E sexy nga yung katawan, sexy ba naman yung utak? Sexy ba yung pag-uugali? Sorry ha, yung utak ko kasi, nandun sa tyan ko, kaya malaki.

Sa palagay ko, ang pangit ng ipinapakita ng society ngayon. Ang babaw ng priorities natin sa buhay. Marami dyan, dahil napuna na tumataba na, dinadamdam masyado. Nagba-binge eating. Kakain, pero pagkatapos, isusuka. Kasi sabi ng mga kaibigan nila, ang pangit na nila. Kasi yung mga utak at pang-unawa ng kaibigan nila, kasingkitid ng mga bewang nila. Eto namang si tanga, agad-agad nagpadala. Pwede naman pasok sa isang tenga, labas sa isa. Alam mo, yang mga salita, walang kapangyarihan na saktan ka kung hindi mo bibigyan. Pili-pili rin kasi ng ida-digest pag may time.

Eto advice ko sayo. Pag sinabihan ka ng ganun, na magdiet ka at ang taba mo na, edi hayaan mo lang sila! Sapakin mo ng konti tas sabihin mo, "Tumahimik ka, nagugutom ako, baka kainin kita!" Oh, tapos diba?

Hindi naman kasi porket sinabi nilang hindi magandang tingnan, eh ibig sabihin hindi na nga maganda. Helllooooo. Kaya nga may kanya-kanya tayong mata diba? Kasi iba-iba tayo ng view sa kung ano ang maganda. Para sakin, basta matatag ka at hindi ka basta basta nagpapauto sa sinasabi ng iba, lalo na kung tungkol sayo, eh sobrang ganda mo. Bongo lang naman ang naniniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa sarili nila. Ano yun, mas kilala ka pa nila? Buhusan mo ng kumukulong tubig sa tenga.


Saturday, October 5, 2013

10/05/13

Para sa dalawa kong kaibigan na nagsilbing inspirasyon ng post na to. Pag nabasa nyo to, malalaman nyo kaagad kung sino kayo. Wala akong ibang hinihiling kung hindi balang araw, makita ko kayong totoong masaya, sa piling man o hindi ng isa't isa.

Hawak mo ang kamay ko. Mahigpit. Ayokong gumalaw dahil ayokong matapos ang mga sandaling ito. Nakaw, oo. Puslit, oo. Katulad ng mga pagsulyap-sulyap mong madalas nahuhuli ko. Akala mo siguro, hindi ko napapansin. Ang totoo, wala akong ibang nakikita kapag alam kong nakatingin ka sakin.

Hawak ko ang kamay mo. Pakiramdam ko, may kuryenteng gumagapang sa balat ko. Twing nakaunan sa balikat ko yung ulo mo, parang naglalaho yung buong mundo, at walang ibang tao kung hindi ikaw at ako. Walang ibang nandito, sa matamis na panaginip na to, kung hindi tayo. Ayokong gumising. Dito lang kita pwedeng makapiling.

Wag kang aalis sa tabi ko. Gusto kong itigil yung oras pag ikaw ang kasama ko. Bawat isang segundo, taon ang katumbas sakin. Marami sana akong gustong sabihin, pero komportable ang katahimikan na namamagitan sa atin. Ito ang laging binabalik-balikan ko. Yung mga sandaling wala tayong nabibigkas na salita, pero maraming bagay ang napag-uusapan natin sa isang makahulugang tingin.

Sana, pwede akong habangbuhay lang na nakadikit sayo. Alam kong hawak ko hindi lang ang palad mo, pati na rin yung puso mo.  Kung alam ko lang na sa pagbitaw ko ay mababasag pala ito, sana, nakakapit pa rin ako kahit magsugat ang palad ko. 

Ganun rin naman yung kinalabasan ngayon. May naghuhumiyaw na kadiliman mula sa dibdib mo, at nagdurugo ang palad ko sa kapipilit na punan ang mga pagkukulang ko.

Thursday, October 3, 2013

10/03/13

Ngayong gabi, higit pa sa lahat ng araw na nagdaan, nararamdaman ko yung bigat ng kawalan.

Diba dapat nga magaan sa pakiramdam, kasi wala na? Bakit nasabi ngang empty, pero ang heavy naman?

Hindi ko makuhang makalimot, kahit isang segundo. Siguro yun yung problema. Kung pwede lang na bumili ako ng eraser, tapos ikiskis lang sa isip ko para mabura na lahat, gagawin ko. Pero sabi ng mga kaibigan ko, ang isip, nakakalimot, walang problema, kaya yan. Pero ang puso, patuloy na kikilala at makakaalala. 

Parang tama nga yun. Three years ago, iyak ako ng iyak, pilit kang tinatabihan. Naging pangalawang tahanan ko yung damo sa lupa kung saan ka tuluyang natago. Wala namang masyadong nagbago. Hanggang ngayon, nalulungkot ako. Hanggang ngayon, namamanhid yung buong katawan ko kapag pinagbibigyan ko yung puso kong sumilip sa mga ala-ala.

Pakiramdam ko ngayon, isa ako sa mga pinakamalungkot na tao sa mundo. Kung iisipin talaga, medyo OA. Sasabihin ng iba, bakit ba hindi maka move on, eh wala na nga diba? Hindi kasi nila naiintindihan. Para akong naglipat bahay, at hanggang ngayon, nakakahon pa rin karamihan sa mga gamit dahil hindi ko maramdaman na magtatagal ako sa bagong lugar na to. Sayo lang naman kasi ako komportable. Sayo lang naman kasi ako nagpakapamilyar. 

Kinabisado kita. Hanggang ngayon, saulado ko pa kung pano tumaas yung kilay mo pag iniinis mo ko. Kung panong wala ka nang mata pag tumatawa ka. Alam pa ng palad ko kung ano yung pakiramdam na hawakan yung kamay mo. Nag-uunahan na naman yung mga luha ko sa pag-asang dadating ka ulit para tuyuin sila sa pisngi ko.

Ang bigat ng ulo ko. Punong-puno kasi sa tunog ng boses mo. Naaamoy ko sa hangin yung amoy ng buhok mo. Pag pumipikit ako, nakikita pa rin kita....masaya, kuntento, wala nang ibang hihilingin pa. 

Yung isip ko, siguro, balang araw, makakalimot pa. Magiging blurred rin yung mukha mo sa mga panaginip ko. Unti-unti kong makakalimutan yung lamig ng boses mo. Maglalaho rin yung pakiramdam ng palad mo sa palad ko, luluwag din yung dibdib ko na hanggan ngayon niyayakap mo. Pero yung puso ko...habang buhay memory full sa'yo. Patuloy na mananabik, laging maghihintay sa araw na pwede na ulit. Siguro, sa kabilang mundo. Yung mundong nandito ka pa rin sa tabi ko, nangungulit, nag-aalala, nag-aalaga. Kung pwede lang talaga. Kung may paraan lang sana.