Bakit ka makikinig sa mga taong nagsasabing, "Magdiet ka! Ang taba mo na!"?
Una sa lahat, isa sa basic needs ng tao ang pagkain. Kahit sino siguro ang tanungin mo, una sa listahan ng pangangailangan nila ang pagkain. So as long as hindi ka obese at wala naman risk sa kalusugan mo yung katawan mo ngayon, bakit kailangan mong magpaapekto?
Lagi ko rin kasing naririnig yan. "Tumataba ka na, kain ka kasi ng kain." Eh ang dami ngang tao sa mundo na walang makain. Asin lang at kanin, magpapasalamat na sila. Yung nanay ko, nasa Hong Kong, nagkakandakuba kakakayod para mailagay sa hapag kainan namin yung paborito kong ulam, tapos sasabihin mo sakin na wag na akong kumain?
Para sa akin naman, okay lang yung katawan ko. Edi kung mukhang baboy o hippopotamus, sige na, baboy o hippopotamus na, pero at least hindi ako mababaw. Pag ba may nakasalubong kang medyo mahina yung ulo, sasabihin mo ba, "Ang bobo mo na! Hindi ka kasi nag-aaral." Hindi naman normal na sabihin yun, diba? Kaya bakit pag sa katawan, ang lakas nyo pumuna?
Yun na lang ba talaga yung mahalaga sa mundo ngayon? Yung maging sexy at maganda, para masarap sa mata? E sexy nga yung katawan, sexy ba naman yung utak? Sexy ba yung pag-uugali? Sorry ha, yung utak ko kasi, nandun sa tyan ko, kaya malaki.
Sa palagay ko, ang pangit ng ipinapakita ng society ngayon. Ang babaw ng priorities natin sa buhay. Marami dyan, dahil napuna na tumataba na, dinadamdam masyado. Nagba-binge eating. Kakain, pero pagkatapos, isusuka. Kasi sabi ng mga kaibigan nila, ang pangit na nila. Kasi yung mga utak at pang-unawa ng kaibigan nila, kasingkitid ng mga bewang nila. Eto namang si tanga, agad-agad nagpadala. Pwede naman pasok sa isang tenga, labas sa isa. Alam mo, yang mga salita, walang kapangyarihan na saktan ka kung hindi mo bibigyan. Pili-pili rin kasi ng ida-digest pag may time.
Eto advice ko sayo. Pag sinabihan ka ng ganun, na magdiet ka at ang taba mo na, edi hayaan mo lang sila! Sapakin mo ng konti tas sabihin mo, "Tumahimik ka, nagugutom ako, baka kainin kita!" Oh, tapos diba?
Hindi naman kasi porket sinabi nilang hindi magandang tingnan, eh ibig sabihin hindi na nga maganda. Helllooooo. Kaya nga may kanya-kanya tayong mata diba? Kasi iba-iba tayo ng view sa kung ano ang maganda. Para sakin, basta matatag ka at hindi ka basta basta nagpapauto sa sinasabi ng iba, lalo na kung tungkol sayo, eh sobrang ganda mo. Bongo lang naman ang naniniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa sarili nila. Ano yun, mas kilala ka pa nila? Buhusan mo ng kumukulong tubig sa tenga.
No comments:
Post a Comment