Pages

Thursday, January 28, 2010

World's Most Useless and Boring and Terribly Annoying Post. :X

May nagtanong sakin kagabi kung pano daw makalimot?
Kaso lang...Drugged ako kagabi...Kaya sabi ko sa kanya,sasagutin ko nalang yung tanong nya kappag maayos na yung takbo ng magulo kong utak.

At dahil feeling ko maayos na yung utak ko,(oo eto na yung pinakamaayos na kaya ko),sasagutin ko na yung tanong nya.Yehey!!

Sa totoo lang,ang emo nung tanong.Nung una wala talaga akong balak sagutin eh?Kaso..wala akong magawa ngayon kaya sige..Magmamarunong ako.Kunwari alam ko kung pano,dun ako magaling eh. ^_^

PAGLIMOT SA MGA BAGAY BAGAY
Eto naman eh madali lang..Lalo na samga ulyanin talaga katulad ko..Yung mga bagay na walang kwenta na laging kinakalimutan katulad ng homeworks (oo walang kwenta yan,agree?)..Madali lang yan kalimutan..Kasi yung motivation nandun na eh.Hindi naman sa gusto natin silang kalimutan...Ayaw lang natin silang alalahanin.Haha!

PAGLIMOT SA EVENTS AT KUNG ANU ANO PA
Minsan kasi may mga date na gusto natin wag na lang dumating eh.Katulad ng exams ganun (hindi ko sinasadya,nagkataon lang na related sa school karamihan ng examples ko) o kaya naman mga party para sa mga hindi naman party people,tapos kailangan nilang mag-attend as in wala silang choice.Madali lang din to.Edi punta ka lang,para matapos na lahat diba?Sabi nga eh the sooner it begins the sooner it will end (may ganito nga ba?).Pwera na lang syempre kung may pictures.Kahit anong paglimot mo maaalala mo pa rin yun. ^_^

Madali lang yan.Eto yung mahirap.

PAGLIMOT SA PAG-IBIG (EWW)
Kaya nga ba mas gusto kong magsulat sa English eh.Ang corny pag tagalog. :D
Eto yata yung tinutukoy talaga nung tanong.
Pano nga bang kalimutan na lang yung taong labs mo?
Pano kung dun lang umikot yung mundo mo,nagpaka-cheesy at nagpakagago ka para sa kanya...tapos biglang sasabihin nya,kalimutan mo na lang lahat yun.Ouch!
Mahirap nga to.Gusto ko man sabihin na,kailangan lang ng panahon para mabaon lahat sa limot,hindi ganun kadali yun.Siguro,yung pinakamadaling simula nun eh i-admit mo sa sarili mo na wala na,tapos na,at ito yung kailangan mong gawin.Yan yung laging unang step sa lahat.Acceptance.Wag mo ng patagalin pa yung sakit sa kasasabi sa sarili mo na may pag-asa pa at maibabalik mo pa yung dati.Magsisi ka na lang para masaya.Umiyak ka ah,para mas may effect.Pagkatapos,mag-move on ka na.Wag kang magmadali,wala ka namang hinahabol.Kung masakit pa,hintayin mo lang...mamamanhid din yan.Kailangan lang ng konting tulak.At syempre,yung will mo na makalimot.Minsan kasi kahit alam natin na yun yung kailangan nating gawin,hindi natin ginagawa.Kasi hindi yun yung gusto natin eh.Hindi tayo dun masaya.Eh pano kung dun sya masaya?Yan yung sabihin mo sa sarili mo.Masaya sya na wala ka.Sige,ulitin mo pa.Hanggang mag-sink in yung katotohanan na hindi ikaw yung gusto nya.Nag-iba yung ikot diba?Kasi mas mahalaga sayo na unahin yung gusto nya bago yung sarili mo.Tapos yung sakit na dala ng pag-amin mo na hindi ikaw yung nagpapasaya sa kanya.Nakakatulong din yung sakit para sa paglimot.Kailangan lang gamitin mo yun ng tama,pabor sayo,hindi kontra.Gawin mong inspiration yun para ipagpatuloy yung buhay na wala sya.Pwera na lang kung masochistic ka.

Wag kang magpaka-emo.Hindi makakatulong yan.Nakakainis pa nga eh,hindi lang sa mata nya,pati sa mata ng iba.Wag ka din magpapansin.Hayaan mo na sya.Anu ka ba?Tanggapin mu na kasi. ;P

Wag mong i-deny yung sarili mo sa nararamdaman mo.Kung alam mong hindi mo kaya--wag mong gawin.Kung sa tingin mo may mapapala ka,sige maghabol ka.Wala naman mawawala sayo.Ano ba naman yung konting pride,halos naubos mo na nga lahat sa kanya diba?Bottomline?Magpakatotoo ka,pero wag kang tanga.Magkaiba yun.Sundin mo lang yung instincts moHindi ka magkakamali.Well,kung magkamali ka man,at least wala kang pagsisisihan diba?Masasabi mo sa sarili mo na talagang ginawa mo lahat,hindi lang kayo para sa isa't isa.Woohoo.Ang keso.Lugi ang Eden.

Oh basta...kung wala ng ibang solusyon...Hindi naman mawawalang ng pader at bato at iba pang bagay sa mundo na pwedenG pag-untugan ng sarili mo.Malay mo makalimot ka agad.Pero may mas maganda pang alternative.Ang tawag dun?Mga kaibigan.^_______________^

Lastly,wag kang maniwala sa lahat ng sinabi ko.Lalo na yung part na mga kaibigan?Lalo kang hindi makakalimot.Aasarin ka lang ng mga yan. :)

END na ng pinakawalang kwentang post sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment